Sunday, January 28, 2007

Isang Ngiti Mula Sa Iyo

Nilikha ni: April Hazel Gay dela Cruz

Wala nang pag-asa kung aking titignan.
Tila patapos na ang aking umaga.
Tila wala nang darating na liwanag.
Tila wala na akong mababanaag.

Nabalutan na ng luha ang mga mata.
Wala nang makita kundi ang pagluha,
Ang pighati, pagdurusa't kalungkutan.
Sana'y makita ko na ang aking lakas.

Sa bawat araw na nagdaraan sa'kin,
Tuwing nasisilayan ka sa pagtingin,
Wala nang masilayan kundi ang kunot
Ang galit na 'di mailabas at ang puot.

Alam ko ang hirap mo. Dama ko lahat
Alam kong tingnin mo, ang iyo'y 'di sapat'
Ang Kanyang ibinigay at inilapat
Tandaan sanang binigyan tayong lahat.

Alam kong may darating sa iyong araw
Dahil ikaw ay ako at ako'y ikaw
Ang mayroon ako ay mayroon ka rin
Noon hanggang ngayon, tayo'y magkapatid.

Isipin sanang may pag-asa pa sa'tin
Marami pang karangalan ang kakam'tin,
Tandaan lang lagi kapatid kong pinoy,
Ngiti ka lang, kakayanin natin ito.


2004

Para Sa Kanila

Likha ni: April Hazel Gay dela Cruz

Sa 'king pagmamasid-masid,
'Di ko lubusang maisip
Na ilan sa 'ting mga kapatid
Sa pagdanas ng hirap ay walang patid.

Sa ilalim ng init ng araw,
Ang pawis ay laging dumadalaw
Tinitiis ang init upang mabuhay
Sa mundong sila ay walang buhay.

Gusto mang iiyak ang hirap na dinaranas,
Hindi magawa dahil wala nang lakas
Tanging Siya na lamang na nasa itaas
Ang nagbibigay buhay sa diwang walang lakas.

Hindi na maramdaman ang pagod
Pati na ang kasiyahang dapat maramdaman
Dahil sa buhay na ipinagkaloob
Na katulad ng sa kahit na sinuman.

Hindi nila hinihingi ang mga bituin
Ang mga ginto, at mga kayamanan
Ang mga bagay na katangi-tangi
Ang makilala sa buong kalawakan.

Para sa kanila, ang tanging mithiin
ay ang magkaroon ng gabay mula sa Kanya
at ang araw na nagsasabing sila ay buhay
Para sa kanila, ang buhay ang kayaman.


2004
Inilathala 2004 AS

Whenever, When?

By: April Hazel Gay dela Cruz

Whenever I look, I can’t see
The giant, green and sturdy trees
Where squirrels live as one with bees.
When will I see them again, very fit?

Whenever I think of the rivers so sparkling,
As I enjoy leaning on the rock so freezing,
Oh, these memories still come back clearly.
When will I view those rivers with fishes again?

Whenever I gaze at the high mountains
I remember the way they used to be
The trees and herbs they used to have, so plain.
When will I see them well and green again?

Whenever I look at the earth,
I see brood running and hear laughs.
Loved those days when we could still breathe.
When will God bestow us another chance to live?


2003
Published 2004 TMP
Published 2007 RLandAMag